Paninindigan at hindi umano hihingi ng dispensa si Cavite Governor Jonvic Remulla sa naging kontrobersyal na pahayag niya, na 'destiny' ni presidential candidate Bongbong 'BBM' Marcos, Jr. na maging susunod na pinakamataas na lider ng bansa, matapos ang 2022 elections.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/">https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/

Ayon sa kaniyang latest Facebook post, sinabi ni Remulla na aware siya na maraming nagalit o 'letga' sa kaniya nang sabihin niya ang kaniyang 'fearless forecast' sa magiging resulta ng bakbakan sa pagkapangulo. Gayunman, pinaninindigan niya ang kaniyang mga sinabi.

"Maraming letga sa huling post ko kung saan sinulat ko na mananalo si BBM sa Cavite."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Maraming letga sa aking pananaw na ginuhit ng tadhana na maging Pangulo si BBM."

"Maraming letga sa aking impresyon na panahon na ni BBM bilang susunod na lider ng bansa."

"To all those who reacted (special mention to the first time visitors of the page who dropped by just to make their feelings known), let me make one thing clear: I am owning up to my words. I will never apologize to anyone for what I wrote or what I believe is the most likely outcome."

"Bilang isang pinuno, mabuting marinig at malaman ko lahat ng panig sa diskursong pulitika."

"I welcome hearing all sides – even with the extreme emotions and expletives.

"It only proves one thing: We all care about our country."

"Sa galit at gayak pa lang ay nakikita ko na marami pa rin ang nagmamahal sa bansa," aniya.

Kahit na marami umano ang nagalit sa kaniya, ayos lang daw para sa kaniya.

"To everyone, thank you very much for the feedback. It gives me a great sense of hope that our love for the country remains steadfast and the virtues we want in our leaders are precise and clear."

"Let the final arbiter be the people."

Lahat daw ay malayang pumili ng panig nila. Nanawagan din siya sa registered voters na gawin ang matalinong pagboto sa paparating na halalan.

"Meanwhile, everyone is free to choose sides."

"Let’s choose the issues that matter. Most importantly, let us choose our leaders wisely."

"Every vote counts. For every vote is a win for our democracy. It’s a win for our future."