Hindi na nakapagtimpi at tuluyan nang tinawag ng singer-songwriter na si Kesha ang atensyon ng White House, matapos nitong gamitin ang kanta niyang “Blow,” upang mang-udyok umano ng karahasan at kaguluhan.
Sa TikTok post kasi na ibinahagi ng White House kamakailan, makikita ang tila “missile strike” na pinasisinayaan ng Estados Unidos.
“Lethality,” saad ng White House sa kanilang caption.
Photo courtesy: White House/TikTok
Buwelta naman ni Kesha, “disgusting” at “inhumane” ang ginawa ng White House.
“It’s come to my attention that The White House has used one of my songs on TikTok to incite violence and threaten war. Trying to make light of war is disgusting and inhumane,” saad ni Kesha sa kaniyang X post nitong Martes, Marso 3.
Aniya, “I absolutely do NOT approve of my music being used to promote violence of any kind. Love always trumps hate. [P]lease love yourself and each other in times like this.”
“This show of blatant disregard for human life, and quite frankly, this attack on all of us nervous systems is the opposite of what I stand for,” dagdag pa niya.
Anang singer, huwag daw hayaang magamit ito upang malihis ang isyu tungkol sa umano’y kaugnayan ni United States (US) President Donald Trump sa kontrobersyal na “Epstein Files.”
“Also, don’t let this distract us from the fact that criminal predator Donald Trump appears in the Files over a million times,” anang singer.
Photo courtesy: Kesha/X
Babala pa ni Kesha sa White House, tigilan na raw nila ang paggamit sa awitin niya.
“Stop using my music, perverts,” ani Kesha sa kaniyang X post nito ring Martes, Marso 3.
Photo courtesy: Kesha/X
Matatandaang malaki ang kaugnayan ng bansang Estados Unidos sa nagaganap na girian at tensyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan, matapos ang pakikipagtulungan nito sa estado ng Israel—na atakihin ang bansang Iran.
Vincent Gutierrez/BALITA