Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes ang kanilang mga opisyal, mga guro at mga kawani na huwag makisali sa electioneering at partisan political activities kasunod nang nalalapit nang pagdaraos ng 2022 National and Local Elections (NLE).

Ayon sa DepEd, alinsunod sa nakasaad sa Saligang Batas at sa mga umiiral na mga patakaran at regulasyon ng Civil Service Commission (CSC) at ng Commission on Elections (COMELEC), ang mga opisyal ng gobyerno at mga kawani ay ipinagbabawal na makisali sa anumang pagkampanya at partidistang pampulitikang gawain upang matiyak na ang mga empleyado ng gobyerno ay nakatutok sa serbisyo publiko.

“As stated in the Constitution, and in accordance with existing rules and regulations of the Civil Service Commission (CSC) and the Commission on Elections (Comelec), government officials and employees are prohibited from engaging in any electioneering and partisan political activity to ensure civil servants are focused on public service and shield them from the unpredictability of politics,” anang DepEd sa isang pahayag.

Anang DepEd, ang listahan ng mga ipinagbabawal na mga gawain at mga hindi kasamang mga aktibidad ay binigyang-diin sa DepEd Order No. 48, series of 2018 (Prohibition on Electioneering and Partisan Political Activity) at ang kalakip nitong CSC Resolution.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Guided by these policies, we call on our personnel and stakeholders to champion a clean, safe and fair elections in 2022, for our children and for the future of this nation,” anito pa.

Ang susunod na halalan sa bansa ay nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022.

Mary Ann Santiago