Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 82 na tauhan ngMetropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang kinumpirma ni MMDA Spokesperson Sharon Gentalian, at sinabing hindi ito nakaaapekto sa normal na operasyon ng ahensya.

“The MMDA operations are still normal. The management is making sure that the public service will not be affected,” paglilinaw nito.

Aniya, angmga ito ay kabilang sa isinailalim sa swab test nitong Martes, Enero 4.

Laman ng puso ni Sen. Go, 'tatak Duterte!'

“They are now isolated and the agency is conducting contact-tracing,” pagbibigay-diin pa ni Gentalian.

Kabilang aniya sa nagpositibo ang mga traffic enforcers at street sweepers.

Aaron Recuenco