Nasa 215 street weepers ang makakakuha ng dagdag na sahod simula Enero 2022, inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pasig City nitong Lunes, Disyembre 27.
Sa flag ceremony nitong Lunes, sinabi ni Mayor Vico Sotto na ang mga street sweepers mula sa City Environment and Natural Resources Office/Solid Waste Management Office (CENRO/SWMO) na ang kasalukuyang suweldo ay P5,000 hanggang P8,000 lamang ay magkakarron ng umento hanggang P12,000 kada buwan.
Sinabi ni Sotto na ang street sweepers ay maaari nang magtrabaho ng full-time o walang oras kada araw mula sa nakaraang apat na oras kada araw na epektibo sa susunod na taon.
Sinabi ng alkalde ng lungsod na ang pagtaas ng suweldo ay bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap at sa pagiging makabuluhang katuwang ng komunidad.
“Napaka-importante na ibigay rin ng pamahalaan sa inyo ang benepisyo na nararapat at yung tama,” ani Sotto.
Sa bagong Job Order status, ang daily rate ng street sweepers ay magiging P547 mula P250 hanggang P400 dahilan para maging P12,000 ang kanilang kabuuang buwanang suweldo.
Cherrylin Caacbay