Sa isang episode ng talk show vlog ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na 'Toni Talks,' naging emosyunal ang aktres na si Kris Bernal nang maungkat ang hindi pag-renew ng kontrata nito sa GMA Network, na naging tahanan niya sa loob ng 14 na taon.

"Very difficult talaga for me kasi parang feel ko throughout my career, naroon ako sa network ko, mga 13 or 14 years," pag-amin niya kay Toni.

"Alam mo, when I finally got the news, when I finally got the memo na, there were no longer renewing me, parang the first word talaga na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko I was a failure."

"Parang I just didn't fail my self but I also failed my family, I also failed my fans, parang ganun, Ate Tin. Pero hindi ko lang talaga naintindihan bakit kasi okay naman, I mean, hindi naman ako nag-attitude and then sabi ko nga, lagi ko naman binibigay yung best ko."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Sinasabi ko nga noong bata pa ako mga 25 to 28, I'll only get married kapag naglie-low na yung career ko. Parang naramdaman ko na, okay ikinakasal na ako kasi ito na ba 'yun, hanggang dito na lang ba talaga?"

In fairness naman kay Kris, hindi siya nawalan ng teleserye sa Kapuso Network. Pangarap daw niyang magkaroon ng best actress award. Kapag nangyari umano ito, puwede na niyang iwanan ang acting career.

"Sabi ko talaga, 'Sige I would leave my career once na nakatanggap na ako ng best actress award kasi syempre acting nga yung gusto ko 'di ba. Pero grabe parang I just always nominated pero hindi ko talaga siya nakukuha."

Bata pa lamang daw, gustong-gusto na niyang mag-artista. 'Maarte' na umano talaga siya.

"As in gustong-gusto kong mag-artista saka ang arte-arte ko na. Super arte ko and then bata pa lang ako, magastos na ako, gusto ko iba-iba yung mga clothes ko, bumibili ako ng mga kikay stuff."

"And then sabi ng mommy ko, alam mo, heto ah, naaalala ko talaga ito noong bata ako, sabi niya 'Alam mo hindi ka naman artista pero ang gastos-gastos mo. And then eventually naging artista ako.'

Sa ngayon ay freelancer si Kris dahil tumatanggap din siya ng mga proyekto sa TV5, at ngayon ay bahagi siya ng isang upcoming Kapuso series.

Umere ang Toni Talks episode na ito nitong Disyembre 20.