Hiniling ni Pope Francis ang panalangin at tulong para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Pilipinas.

Ayon sa CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines) News, inihayag ng Santo Papa noong Disyembre 16 ang kanyang pagiging malapit sa mga Pilipinong dumaranas ng epekto ng pananalasa ng bagyo matapos magdasal sa Angelus St. Peter’s Square.

“I express my closeness to the people of the Philippines hit by a strong typhoon, which has destroyed many homes,” sabi ng Papa.

“May the Santo Niño [de Cebú] bring consolation and hope to the families most in need; and may he inspire all of us to give concrete help. The first concrete help is prayer, and other aids,” dagdag nito.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang malakas at mapaminsalang bagyo ay kumitil ng daan-daang buhay at libu-libo ang nawalan ng tirahan.

Nitong Linggo, mahigit 140 katao na ang pinaniniwalaang nasawi matapos ang pananalasa ng bagyo sa central at sourthern regions ng bansa.

Sa ngayon, humigit kumulang kalahati sa 142 na naiulat na nasawi ay mula sa lalawigan ng Bohol sa rehiyon ng Visayas.

Nagpakilos na ng tulong para sa mga nasalantang diyosesis ang Caritas Philippines, ang humanitarian arm ng CBCP.

Leslie Ann Aquino