Isa umano sa turning point kung bakit nag-leave ang award-winning at box office director na si Direk Cathy Garcia-Molina sa Star Cinema noon ay dahil pakiramdam niya, nagkukulang ang kaniyang panahon at oras sa kaniyang mga anak.

Kung lahat daw ay napapasaya niya sa mga pelikulang nagagawa niya, may mga tao naman sa kaniyang personal na buhay na hindi masaya---at ito ay ang mga anak niya, pag-amin niya sa 'Toni Talks' ni Toni Gonzaga.

“According to many I’ve been making people happy. Little did I know and realize that while making many people happy, I think I’m not making my kids happy," pahayag ni Cathy.

Sa showbiz industry, hindi umano sapat ang 24 oras upang matapos ang paggawa ng isang pelikula. Talagang buong panahon at atensyon ay kailangang ilaan dito, lalo na sa mga taping na kadalasan ay sa labas pa ng bansa. Pati rin sa post-production, bilang direktor ay kailangang hands on din.

Pelikula

Panawagan ni Aicelle Santos, unahin ang 'Isang Himala' sa MMFF

Naikuwento pa niya na napalo at pinaiiyak ng yaya ang anak niya. Mabuti na lamang daw at nakuhanan ito ng video ng driver nila. Sa halip na pagalitan at pagbuntunan ng galit ang yaya, sinisi niya ang kaniyang sarili.

“At that time imbes na magalit ako doon sa babae nagalit ako sa sarili ko. And immediately I made a letter to Tita Malou (Santos) and Inang (Olive Lamasan) and I said, ‘ayaw ko na po'," pahayag ni Direk Cathy.

“Ayaw ko na pong magdirek kasi kapalit no’n (mga) anak ko. Feeling ko walang fault, walang pwedeng i-blame sa nangyari except me."

“Pinag-break naman ako nina Tita Malou noon, but always the need of the company siguro nasa puso ko na rin. Pag sinabi na ni Tita Malou na, ‘Cathy kailangan ng kumpanya.’"

May mga bagay umano na hindi niya mahindian lalo na kapag pinakiusapan na siya ng mga big boss. Isa na nga roon ang paggawa ng pelikulang 'My Amnesia Girl' na unang pagtatambal sa pelikula nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz noong 2010.

“‘Cathy para may panghamon ang mga tao ng Star (Cinema). Parang how can you say no to that ‘no? Knowing that ‘uy magkaka-bonus ang mga tao. Magkaka-keso’t hamon sa Pasko."

“Kaya kahit alam mong mahirap at imposible ‘yung schedule ginawa natin, kita mo nagkamatay-matay na umabot ng gabi ang dapat umagang sequence kasi kailangan siyang matapos kasi hindi puwedeng hindi matapos at hindi puwedeng hindi kumita otherwise walang hamon at keso ang mga taga-Star (Cinema),” nagpupunas ng luhang kuwento ng direktor.

Sey naman ni Toni, "Parang na-realize ko, you said many yes to your work and the kids got a lot of no, 'di ba?”

“Yes. ‘Yun talaga ‘yun and everytime na magsasabi ako, laging sasabihin sa akin, ‘Direk marami ka namang napapasayang tao.’"

“And minsan tinatanong ko, ito ba talaga ang calling ko? But itong nakaraan, na-miss ko na ‘yung formative years ng mga anak ko, Toni. I knew I wasn’t there anymore and there’s no way I can bring back the time. That’s why noong nag-hit ng teenager years ang mga anak ko, ‘yun ‘yung sinabi ko kasi feeling ko dangerous (years), so, kaya ako nag- make ng stand that I would take a leave na," aniya pa.