Inamin ni Chie Filomeno na crush o humahanga siya sa kapwa ex-PBB housemate na si Kyle Echarri sa Thursday episode ng morning talk show na 'Magandang Buhay' hosted ng mga momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

"Grabe 'yung romantically. Pwedeng crush muna?" natatawang sabi ni Chie sa tatlong hosts.

Kahit na sinong babae raw ay imposibleng hindi magkagusto kay Kyle.

"Kasi parang sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and 'yung mindset niya very infectious," pahayag ni Chie.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang inamin ni Chie na bago pa man sila pumasok sa Bahay ni Kuya, nagpapadala na sa kaniyang private messages si Kyle ngunit hindi niya ito pinapansin.

Kaya sa loob ng Bahay ni Kuya, hindi inaasahan ni Chie na mapapalapit siya kay Kyle. Kaya ang sabi ng mga netizen, baka raw mabuwag na kaagad ang tambalang 'KyCine' (Kyle Echarri at Francine Diaz) lalo't marami rin ang kinilig sa chemistry nina Kyle at Chie, na nakita naman sa PBB House.

Ngunit kung may mga kinilig, may mga nainis din.

"Ang nagsabi sa akin actually ay 'yung mga boss ng 'PBB.' Nag-debrief po kasi. And then, 'yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it's a special bond that we were able to create po kasi kami 'yung parang takbuhan namin 'yung isa't isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko," paliwanag ni Chie.

Parehong na-evic ng PBB house sina Kyle at Chie noong nakaraang buwan.