Bumaba sa 49 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig City, ayon sa local government unit nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Hinimok ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko na huwag makampante sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Pinaaalalahanan din niya ang mga ito na magpabakuna na laban sa nakamamatay na virus.

Ayon sa LGU, 57,815 na pasyente na ang gumaling habang 1,462 naman ang namatay dahil sa sakit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapag-deploy na rin ang lungsod ng 944,646 vaccine base sa huling datos nitong Nobyembre 25. Nasa 512,940 na residente na ang nakatanggap ng first dose at 427,299 naman ang fully vaccinated.

Patrick Garcia