Nag-react sa pamamagitan ng tweet si Kuya Kim Atienza sa sinabi sa kaniya ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na tulungan na lamang niyang mangampanya ang amang si dating Manila City mayor Lito Atienza, na batay naman sa payo ng isang netizen sa kaniya.
Binasa ni Ogie sa kaniyang entertainment vlog na 'Showbiz Update' ang pahayag ng netizen na '“Kuya Kim, kung ako sa ‘yo, since nagba-viral ka sa kaka-post mo, tulungan mo na lang ang tatay mo na manalo sa vice president,” saad ni Ogie batay sa sinabi ng netizen.
Batay naman dito, sumang-ayon naman si Ogie.
"Pero kung tutuusin, may point. Dapat talaga tinutulungan na lang ni Kuya Kim. I-post niya yung daddy niya."
Nabuksan naman ang usaping ito matapos nilang talakayin ang pagbatikos ng mga netizen kay Kuya Kim dahil sa 'shady' comment nito sa Facebook post ni Camille Prats, hinggil sa panibagong achievement ng kuya nitong si John Prats.
Sa halip na magbitiw ng patutsada, pinuri pa ni Kuya Kim si Ogie dahil sa matagumpay nitong YouTube channel.
"Kumusta ka na? Congrats sa YouTube mo, very successful! Ogs," wika ni Kuya Kim.
Sinabi rin ni Kuya Kim na gustuhin man niyang ikampanya ang ama na isang vice presidential aspirant sa ilalim ng PROMDI ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao, hindi raw ito uubra sa GMA Network dahil bawal.
"Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag-anak."
"Be well dear@ogiediaz," aniya.
Isang netizen naman ang 'nakisawsaw', nagpasaring at nagkomento, "Ganyan ang GMA bawal mangampanya kahit kamag-anak pa… Hindi kasi 'yan kagaya ng ibang network na may kinikilingan at sinusuportahan… Lalo na kapag panig sa paniniwala nila.. Stay safe Kuya Kim…"
Agad naman itong nilinaw ni Kuya Kim at ipinagtanggol ang ABS-CBN News and Current Affairs Department kung saan siya kabilang dati.
"Also ABS naman, ABS news code of ethics prohibits reporters and anchors from campaigning for their respective candidates."