Simula nang lumipat si Kuya Kim Atienza sa GMA Network noong Oktubre ay hindi na siya tinantanan ng mga basher na kumukuwestyon sa kaniyang loyalty, sa dating home network na ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng 17 taon.

Isa pa sa mga nagpa-trigger sa bashers ay nang magkomento siya sa shared Facebook post ng co-host niyang si Camille Prats, sa panibagong achievement ng kaniyang kuyang si John Prats, na bukod sa pagiging cast member ay bagong direktor na rin ng FPJ's Ang Probinsyano.

Aniya, wala raw aksidente sa buhay at mabait si Lord kay John dahil iniiwas siya sa sakit ng ulo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/">https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bagama't wala namang binanggit, ipinagpalagay ng mga basher na ang tinutukoy niyang 'sakit ng ulo' ay ang pagiging direktor naman ng noontime show na 'It's Showtime' kung saan isa rin siya sa mga naging hosts nito, subalit nagbitiw siya upang magpokus sa pagiging trivia master niya.

Sa isang tweet, nilinaw ni Kuya Kim na hindi niya pinapatamaan ang Showtime family, at hindi siya magsasabi nang anumang masama laban sa kaniyang mga nakatrabaho noon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/kuya-kim-i-love-my-showtime-family-and-will-never-say-anything-bad-about-them/">https://balita.net.ph/2021/11/15/kuya-kim-i-love-my-showtime-family-and-will-never-say-anything-bad-about-them/

Ipinukol din ng mga netizen ang pagkakaibigan nilang tatlo ng mga dating kasamahan sa noontime show na sina Billy Crawford at ang mismong direktor at bumuo ng Showtime na si Direk Bobet Vidanes, na pareho na ring bahagi ng rival show na 'Lunch Out Loud' o LOL sa TV5, sa ilalim ng Brightlight Productions.

Naging kontrobersyal si Direk Bobet sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng LOL, naging emosyunal siya sa pag-amin na kaya nilayasan niya ang 'kabila' ay dahil ayaw niyang mamatay nang maaga dahil sa stress at toxic environment. Lumabas din ang naging panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal o PEP hinggil sa mga isyu niya sa Kapamilya Network, at pagsasabing hindi niya kilala si Direk Lauren Dyogi, bagay na imposible dahil matagal na silang magkakasama sa naturang estasyon.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/">https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/

Going back to Kuya Kim, heto't may isang netizen ang nagpahayag ng kaniyang tweet na “Sino si @kuyakim_atienza kung wala ang ABS na nagpasikat at nagpayaman sa kanya?”

Bagay na sinagot naman ni Kuya Kim:

"Amen sa nagpasikat pero mayaman ang napangasawa ko way before ABS. Kuya Kim became known because of ABS, yes.”

Screengrab mula sa Twitter/Kim Atienza

Sa kasalukuyan, halos visible na si Kuya Kim dahil sa tatlong shows na kinabibilangan niya: ang 'Dapat Alam Mo' sa GTV, 'Mars Pa More with Pars Kim Atienza,' at '24 Oras'.

Ayon sa naging panayam kay Kuya Kim sa paglipat niya sa Kapuso Network, ang isa sa mga dahilan kung bakit lumipat siya ay dahil nami-miss na niyang maging aktibo ulit sa trabaho, at nais niyang mas marami ang makapanood sa kaniya.

Hindi naman daw niya iniwan ang ABS sa 'darkest moment' nito dahil unti-unti na raw itong nakakabangon, sa pamamagitan ng mga panibagong mga platforms nito. Namamayagpag pa rin ang Kapamilya Network sa digital, idagdag pa ang pakikipagsanib-puwersa nito sa A2Z Channel 11 at TV5. Ang pinakalugmok daw ang ABS ay noong 2020.

Sumikat si Kuya Kim bilang successor ng yumaong iconic weatherman at trivia master ng TV Patrol na si Ka Ernie Baron. Simula noon ay nakilala na siya bilang trivia master nito. Award-winning din ang kaniyang educational show na 'Matanglawin' na kasama sa mga show na nasibak at nawala sa ere, dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS, at dahil na rin sa pandemya.

At syempre, kabilang din siya sa original hosts ng 'Showtime', noong hindi pa ito ang main noontime show ng Kapamilya Network, bago umere ang 'Be Careful with My Heart' at 'Wowowee'. Isama pa riyan ang mga radio shows niya noon sa DZMM at DZMM Teleradyo.