Nalansag ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD) ang isang drug den na ikinaaresto ng limang indibidwal sa ikinasang pagsalakay sa Taguig City nitong Sabado, Nobyembre 21.
Inanunsyo ni Southern Police District chief Brig. General Jimili Macaraeg ang pagkakaaresto ng mga suspek na kinilalang sina Emerson Manali, alyas Bakla, 26; Sonny Esteban, 55; Mico Pascual, 24; pawang taga-Taguig City; Mar Dando, 48, taga-Rizal; at Roberto Terrado, 35.
Sa ulat ng pulisya, sinalakay ng mga pulis ang drug den sa #102 P. Mariano St., Brgy. Ususan, Taguig City, dakong 4:30 ng hapon na ikinaaresto ng limang suspek.
Narekober sa mga ito ang 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000, marked money, wallet, at drug paraphernalias.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sakasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea