Bumaba sa 99 ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City batay sa tala ng City Health Office, paghahayag ni Mayor Edwin Olivarez nitong Sabado, Nob. 20.

Sinabi ni Olivarez na tatlo sa 16 na barangay sa lungsod – Don Galo, La Huerta at Vitales – ang idineklara nang virus-free.

Gayunpaman, nananatili pa rin may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Barangay San Isidro na may 24; BF Homes na may 19; at Mervile na may 11.

Sinabi ng alkalde sa mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19 upang mapanatili ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod at ma-enjoy ang darating na panahon ng Pasko.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hiniling din ni Olivarez sa mga residente na sundin ang basic health protocols at manatili lamang sa bahay kung wala silang importanteng gagawin sa labas ng kanilang mga tirahan.

Hinikayat din niya ang mga magulang na irehistro ang kanilang mga anak na may edad 12 hanggang 17 para sa Bakuna Parasa Yo” general pediatric vaccination program ng lungsod.

Jean Fernando