Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Nobyembre 9.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magbababa ito ng P1.00 sa presyo ng kada litro ng kanyang gasolina, P0.65 sa presyo ng kerosene at P0.60 sa presyo naman ng diesel nito.

Agad sinundan ng mga kumpanyang Seaoil, Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz at PTT Philipines na nagpatupad ng kaparehong bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Noong Agosto 24, huling inirollback sa P0.90 ang presyo  ng kerosene, P0.80 sa gasolina, at P0.75 naman sa diesel.

Bella Gamotea