Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi epektibo o “null and void” ang direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko Domagoso” Moreno na limitahan ang mga lugar na nangangailanagan ng face shield dahil sa umiiral na kautusan na nagre-require ng paggamit ng umano’y anti-coronavirus (COVID-19) equipment.

Ito ang pahayag ni Roque matapos alisin ni Domagoso ang patakaran sa face shield sa Maynila at limitahan ang paggamit nito sa mga medical facility ilang sandali matapos sumang-ayon ang mga alkalde sa Metro Manila na irekomenda ito sa Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa kanyang press briefing nitong Lunes, Nob. 8, sinabi ni Roque na sa kanyang pagtatasa hindi magkakaroon ng bisa ang utos ni Domagoso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Presidential Spokesman Harry Roque and Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso (File photos / PNA / Manila LGU)

“That’s one way of looking at it. Another way of looking at it is null and void po siya for being in violation of an existing executive policy decreed by the President itself in the exercise of police powers,”sabi ni Roque.

Dagdag niya, bahala na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagharap sa mga alkalde ng Maynila kung igigiit nito ang kanyang utos.

“Hahayaan ko na po ‘yan sa DILG. ‘Yan po ay katungkulan at hurisdiksyon ng DILG,” sabi ng opisyal ng Palasyo.

Samantala, pinaalalahanan ni Roque ang mga local chief executies na ang mga utos at pakaran ng IATF ay niratipikahan o kapareho ng kay Pangulong Duterte.

“IATF exercises derivative authorities from the President because it was created through an executive order. Halos lahat naman po ng desisyon ng IATF is either ratified or binigyan ng Presidente ang kapangyarihan ang IATF na mag-desisyon,” sabi ni Roque.

“Dahil lahat po ng mga mayor ay nasa control and supervision pa rin po ng ating Presidente, kinakailangan po lahat ng mga mayor sumunod pa rin po sa mga polisiya ng IATF hanggang hindi po nababago,” dagdag niya.

Samantala, tiniyak naman ng opisyal ng Palasyo sa mga local chief executives na pinag-aaralan na ng IATF ang paggamit ng face shields laban sa COVID-19.

“Ang aking pangako naman po, pinag-aaralan naman po ng IATF kung kinakailangan o pupwede na ngang tanggalin ang paggamit po ng face shields,” sabi ni Roque.

“Antayin na lang po natin ang desisyon ng IATF,” dagdag nito.

Noong Hunyo, sinabi ni Pangulong Duterte na mas gusto niyang sa mga ospital lang kailangan magsuot ng face shield. Gayunpaman, tinutulan ito ng pandemic task force at sa halip ay umapela na panatilihin ang polisiya lalo na sa loob ng mga establisyimento.

Matapos iulat ng Department of Health (DOH) na may kabuuang 17 indibidwal ang nahawaan ng Delta variant noong Hunyo 12, nagpasya si Duterte na panatilihing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa loob at labas ng mga establisyimento.

Setyembre na nang sa wakas ay alisin ni Duterte ang mandatory requirement sa paggamit ng mga face shield indoors, maliban sa mga sarado, matao at siksikang mga lugar.

Argyll Cyrus Geducos