Isang kongresista ang naghain ng panukalang batas na nagbabawal sa tinatawag na substitution o pagpapalit bunsod ng withdrawal o pag-atras ng isang kandidato para bigyang-daan ang isa pang kandidato sa halalan.

Kaugnay nito, limang senador ang nagsusulong din na ipagbawal ang "substitution of electoral aspirants who voluntarily withdraw their candidacies ahead of elections."

Inihan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Senate Bill No. 2349 nitong Lunes.

Samantala, naghain din si Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ng panukala hinggil sa pagbabawal sa substitution o pagpapalit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Layunin ng panukala nina Rodriguez at Gatchalian na amyendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code na nagpapahintulot sa accredited political parties na palitan ang kanilang mga kandidato bunsod ng kamatayan, diskwalipikasyon o withdrawal.

Sa halip na pagpapalit o substitution sanhi ng withdrawal o pag-atras, isinusulong ng panukala na pahintulutan ang replacement ng mga kandidato sa mga kaso ng incapacity o pagkabaldado, kamatayan at diskwalipikasyon.

Bukod kay Gatchalian, ang iba pang co-authors ng panukala ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Nancy Binay, Grace Poe, at Joel Villanueva.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, kandidato sa pagka-pangulo, na pabor siya sa panukala.

Bert de Guzman