Nagbigay ang Pasig City local government ng mga laptop na mayroong kasamang hard drives sa mga newly-hired teachers ng lungsod habang pinapalakas nito ang pagsisikap na tugunan ang mga kahirapan sa online learning na dulot ng COVID-10 pandemic.

Nasa 40 ang bilang ng bagong Department of Education (DepEd) teachers ang nakakuha ng laptop nitong Martes, Oktubre 26.

“Maraming bagong pagsubok ngayong school year lalo na kapag puwede nang bumalik sa face-to-face, pero alam kong kayang-kaya nila ito! Mabuhay ang mga guro ng Pasig," ani Pasig City Mayor Vico Sotto

Sinabi ni Sotto sa isang Viber message sa Manila Bulletin, na nasa 4,600 na public school teachers sa lungsod ang nakatanggap ng laptop mula sa city negative.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Patrick Garcia