Tinitignan ngayon ng Palasyo ang parehong posibilidad ng suspensyon ng excise tax sa langis at pagbibigay ng subsidiya sa public transport sector sa gitna ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo
Ito ang binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual press comference nitong Lunes, Oktubre 25.
“As we speak po pinagpupulungan itong bagay na ito (these matters are being discussed). Kinu-konsidera po ang parehong proposals,” sabi ni Roque.
Parehong iniinda ngayon ng mga pribadong motorisa at mga tsuper ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa loob ng halos dalawang buwan.Ang dalawang panukala ay nakikitang pinakamainam na solusyon para maibsan ang suliranin ng mga Pilipino.
“Government is heeding and we are evaluating po,” pagsisiguro ni Roque. Gayunpaman, hindi ito nagbigay ng timeline kung kailan posibleng maipatupad ang panukala.
Sa pagsususpinde ng excise tax, inaasahang bababa ng hanggang P8 bawat litro ang pump prices.
Nitong nakaraang linggo, nangako ang Palasyo na maghahatid ng paraan para matulungan ang mga public utility (PUV) drivers na pangunahing apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ellson Quismorio