Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng shellfish matapos magpositibo sa red tide ang anim na coastal areas sa Eastern Visayas.

Sa abiso ni Regional Director Juan Albaladejo nitong Oktubre 21, kabilang sa mga nasabing lugar angCarigara Bay sa Leyte (Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, and Babatngon); coastal waters ng Leyte;Cambatutay Bay sa Tarangnan, Samar;San Pedro Bay sa Basey, Samar;Matarinao Bay sa Eastern Samar (General MacArthur, Hernani, Quinapondan, and Salcedo);Villareal Bay sa Samar.

Pinagbawalan muna ng BFAR ang publiko na humango, magbenta at kumain ng anumang uri ng shellfish, alamang at hipon sa mga naturang lugar na nagpositibo sa paralytic shellfish poisoning toxin.

Gayunman, ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, alimango at hipon basta tanggalin lamang ang mga lamang-loob at hugasang mabuti bago lutuin.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van