Ang wish ng Presidential spokesman Harry Roquenitong Huwebes, Oktubre 21,aymalagpasan na ng bansa ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic at makabalik na sa normal.

Isinapubliko ni Roque ang kanyang birthday wish sa virtual media briefing kasama ang mga Palace reporters.

“Dahil ito pong araw na ito ay aking kaarawan, hayaan nyo naman akong magkaroon ng birthday wish: ang lalo pang magbukas ang ating ekonomiya, bumaba ang mga kaso ng COVID nang sa ganun mas marami ang makapagbalik buhay," ani Roque na 55-anyos na ngayon.

Matapos ang birthday wish, binati siya niMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. na isang guest sa kanyang online presser.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Binati rin siya niCommunications Undersecretary Rocky Ignacio, na tagapagbasa ng mga katanungan mula sa media.

Samantala, matatandaang ibinaba ang Metro Manila sa Alert Level 3 maging ang Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City, at Davao del Norte.

Raymund Antonio