Kamakailan lang ay inanunsyo ng music streaming app Spotify ang pagre-reynang muli ni Adele matapos basagin nito ang opening day record ng South Korean band BTS.

Bago ang inaabangang comeback ni Adele noong Oktubre 15, hawak ng bandang BTS ang record bilang “most-streamed song" sa Spotify sa opening day ng kantang “Butter” na lumabas noong Mayo 21.

Isang araw matapos lumabas ang kantang “Easy On Me,” inanunsyo ng Spotify na binasag ng 33 taong-gulang na si Adele ang kasalukuyang record ng BTS na 11,042,000 global Spotify streams sa kantang “Butter.”

Hindi naman binanggit kung ilang streams ang inabot ng comeback single.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa darating na Nobyembre 19, ilalabas ni Adele ang susunod niyang studio album na tinawag na “30.”