Nanawagan ang Malacañang sa pamahalaan ng Amerika na “gawin ang nararapat” kaugnay ng pagpaslang ng isang pulubi sa isang Filipino nurse na si Maria Ambrocio sa New York City.
“We call upon the US government to do what is incumbent upon any state where there is a killing,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual press briefing nitong Lunes, Oktubre 11.
Tinutukoy ni Roque ang pag-atake sa 58 taong-gulang na si Ambrocio ng isang pulubi at pinaniniwalaang wala sa katinuan ng pag-iisip. Namatay ang nurse nitong Linggo matapos malagay sa life support.
“We appeal of course to the US administration to investigate and prosecute the killer of this Filipino nurse,” sabi ni Roque na isa ring abogado.
“All victims of violations of the right to life are entitled to a speedy domestic remedy,” dagdag ni Roque.
Naging kritikal sa halos kanyang buong pamumuno si Pangulong Duterte sa bansang US dahil sa umano’y mga inhustisya noong kasagsagan ng pananatili ng ilang Pilipino sa Amerika ilang daang taon na ang nakalilipas.
Patuloy naman ang suporta ng US sa Pilipinas pagdating sa paglalagak ng coronavirus disease (COVID-19), na tila nagpabago sa pakikitungo ni Duterte sa mga Amerikano.