Nanindigan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa inihaing cease-and-desist order laban sa social media platform na LYKA kung saan ipinapatigil ang Operator of Payment System (OPS) nito.
Tinanggihan din ng BSP ang hiling ng Digital Spring Marketing and Advertising Inc. – marketing arm ng LYKA sa Pilipinas na maging rehistrado bilang OPS ng LYKA/Things I Like Company Ltd (TIL) Payment System.
Giit ng banko, dapat LYKA/TIL at hindi Digital Spring should register bilang OPS ang nakarehistro sa BSP.
“Think of an OPS as a pilot who must personally obtain a flying license to prove that they possess the necessary skills and training to safely operate a passenger aircraft,” saad ni BSP Deputy Governor Mert Tangonan.