Inanunsyo ng Veteran showbiz personality at House Deputy Speaker na si Vilma Santos-Recto nitong Huwebes, Oktubre 7, na hindi siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa 2022 national elections.

Ginawa ni Santos-Recto ang pahayag na ito sa kanyang Facebook at Instagram.

“After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections,” ani Santos-Recto.

“Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo! Sa lahat ng nagtiwala at patuloy na sumusuporta sa akin, maraming maraming salamat po. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal." dagdag pa niya.

Nauna nang naibalita na kinukonsidera niyang tumakbo bilang senador sa 2022 polls, habang ang kanyang asawang si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay tatakbo sa House of the Representatives.

Ang award-winning actress ay naninilbihan bilang Batangas representative sa kanyang ikalawang termino, sumali siya sa politika noong 1998 na kung saan siya ang kauna-unahang babaeng alkalde sa Lipa City, at nagsilbi ng tatlong termino.

Kilala bilang "Star for All Seasons" si Santos-Recto, naging kauna-unahang babaeng gobernador ng Batangas Province noong 2007. 

Melvin Sarangay