Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa Nobyembre 15.

Sa pahayag ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sa ngayon ay mayroon ng 59 pampublikong paaralan ang nakapasa sa risk assessment na isinagawa ng Department of Health (DOH) para sa pilot test.

Sa ilalim aniya ng kanilang timeline, ang initial run nito ay magtatagal hanggang sa Disyembre 22.

Nakatakda naman aniyang magtapos ang pilot study sa Enero 31, 2022. Plano rin nilang maiharap sa Pangulo ang expansion ng pilot run sa Pebrero 2022.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa sandali anilang maaprubahan ito, target nilang masimulan ang expanded pilot run ng face-to-face classes sa Marso 7, 2022.

Matatandaang inaprubahan ni Duterte ang pilot test ng limited in-person classes, ngunit sa mga lugar lamang na low-risk sa COVID-19.

Target din ng DepEd na makibahagi ang 120 na public at private schools sa naturang pilot run ng face-to-face classes.

Tiniyak naman ng DepEd na hindi nila pipilitin ang mga estudyante na ayaw lumahok.

Mary Ann Santiago