Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si lawyer Lorenzo "Larry" Gadon sa pagka-senador para sa May 2022 election nitong Martes, Oktubre 5.

Larry Gadon (Photo from Comelec)

Ito na ang pangatlong pagkakataon na susubok si Gadon para sa senate seat matapos matalo noong 2016 at 2019 elections.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tatakbo siya sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan, isang partido na nagnominatekay dating Senador Bongbong Marcos sa pagka-presidente.

Naging viral din siya dahil sa pagmumura at tinawag na "mga bobo" ang mga supporters ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Noong 2019, sinuspinde ng Supreme Courtsi Gadon sa loob ng tatlong buwan dahil sa kanyang "abusive and intemperate language."

Gabriela Baron