May chismis na umusbong na magiging Kapuso na umano ang pumalit sa puwesto ng namayapang weatherman at trivia master noon ng TV Patrol na si Ka Ernie Baron.

Limang shows umano nang inoffer kay Kuya Kim ng GMA Network para lamang mapapayag ito na lumipat sa kanilang bakuran. Sapantaha ng mga netizens, maaaring educational or science fiction show ang gagawin nito, kagaya ng show niyang 'Matanglawin' sa kapamilya Network.

Lately ay mapapansing panay ang komento ni Kuya Kim sa mga pages ng GMA online, bagama't wala naman siyang pahiwatig kung talaga nga bang lilipat na siya.

Tsika at Intriga

Chloe panay kiss daw nila ni Caloy fine-flex; fans, rumesbak

Kim Atienza (Larawan mula sa Manila Bulletin

Sa mismong Facebook live ni Kuya Kim, inamin niya ang transition na magaganap sa kaniyang showbiz career.

"This is what I can say: the transition is real," saad ni Kuya Kim.

Hinimok niya ang kaniyang mga tagahanga na manood ng TV Patrol sa Oktubre 1, 2021, para sa kaniyang pamamaalam, kagaya ng ginawa ni Ted Failon, bago ang paglipat sa TV5 kasama si DJ Chacha.

Sa ulat naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP, makikita ang video ng shooting ni Kim para sa gagawing teaser sa kaniyang pagiging Kapuso, Kung si Atom Araullo ay nakasakay sa kotse, si Kuya Kim naman ay nakamotorsiklo. Naganap ito noong Setyembre 28, 2021 kung saan nakapagtaping na rin umano ang host.

Screenshot mula sa TikTok

Ang kaniyang ama na dating mayor ng Maynila na si Lito Atienza ay host ng drama anthology na 'Maynila' kaya hindi umano imposibleng mangyari nga ang paglipat.

Abangan ang opisyal na pamamaalam ni Kuya Kim sa Oktubre 1 sa TV Patrol.