Nagpasalamat ang aktres at United Nations Children's Fund (UNICEF) goodwill ambassador na si Anne Curtis sa Senado matapos maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na layong itaas ang edad ng sexual consent mula sa edad na 12-taong-gulang hanggang 16-taong-gulang.

Idinaan ng aktres ang kanyang pahayag sa isang video via Twitter nitong Martes, Setyembre 28.

“I wanna say thank you to our senators for taking this step for every child in the Philippines. And thank you for every single advocate who is supporting this bill,” saad ni Curtis.

“No child should re-experience trauma nort feel neglected when seeking justice,” dagdag ng aktres.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Umaasa ang aktres na uusad sa bicameral conference committee at maisasabatas ang bill na layong maprotektahan ang mga bata laban sa pang-aabusong sekswal.

Kasabay ng pahayag ang hashtag na #EndChildRapeBill.