Tatanggap ng pabuyang₱1.5 milyon ang pole vaulter na si EJ Obiena mula sa Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa ginawa nitong pagbura sa 23-taong Asian recordsa pole vault noong nakaraang Sabado-Setyembre 11 na Linggo naman sa Pilipinas.

Hinihintay na lamang ng PSC ang endorsement ng Philippine Athletics Track and Field Association's (PATAFA) sa mga dokumento na galing sa nasabing international competition na sasailalim pa sa evaluation ng PSC national sports association affairs bago i-release ang reward ni Obiena, ayon kay PSC Chairman William Ramirez.

Sa Section 8 ng Republic Act 10699 na mas kilala bilang National Athletes, Coaches, and Trainers Benefits and Incentives Act of 2001, “ang mga national athletes at iba pang mga athletes na makakalagpas sa Philippine record o ranking sa anumang measurable international sports competition ay bibigyan ng cash incentives na itatakda ng PSC.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Na-clear ni Obiena ang taas na 5.93 meters para burahin ang dating Asian record na 5.92 meters na itinala ni Igor Potapovich ng Kazakhstan noong Pebrero 19, 1998 sa 2021 Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

Naitala niya ang Asian record, dalawang linggo matapos nyang burahin ang kanyang hawak na national record na 5.91 meters sa Paris Diamond League.

Sa ngayon, si Obiena ay No.5 na sa world ranking matapos pumang-apat sa nakaraang Diamond League.

Marivic Awitan