Isang dekada na ang reel to real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.

Sa isang appreciation post ni Kathryn nitong Linggo, Setyembre 5, binati niya ng Happy 10th Anniversary ang kanilang solid fans.

"Happy 10th anniversary to us, kathniels! Maraming Salamat sa inyong lahat," ani Kathryn.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Screenshot mula sa Instagram post ni Kathryn

Screenshot mula sa Instagram post ni Kathryn

Sa kabila nito, kapansin-pansin ang "09.25.21 (soon emoji)" sa dulo ng kanyang post. 

Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ito na kaya ang hinihintay ng lahat? 

Abangan yan! 

Matatandaang unang nagkatrabaho sina Kathryn at Daniel noong 2011 sa isang series na Growing Up. 

Taong 2012 naman ang kauna-unahang lead role ng Kathniel sa isang primetime series ng ABS-CBN na Princess and I. 

And the rest is history, ika nga. Simula 2012 hanggang kasalukuyan ay talaga nga namang naging back-to-back blockbuster ang kanilang mga pelikula, at ang mga teleserye naman nila ay nakakuha ng mga international awards.

For sure, marami pang dapat abangan sa KathNiel.