Suspendido parin ang number coding scheme o ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa Metro Manila.
Ito ang paglilinaw ngMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sinabing wala pa rin silang inilalabas na abiso upang bawiin ang suspensyon.
Nilinaw din ng ahensya, pinapayagan pa rin nila ang pagbiyahe para sa essential goods at pagpasok sa mga establishments na kabilang sa mga pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pinapaalalahanan din ng MMDA ang publiko na patuloy na sundin ang mga public health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya at komunidad laban sa COVID-19.
Bella Gamotea