Naglabas ng pahayag ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Biyernes, Agosto 27, bilang pagkundena sa pagpaslang sa abogadong si Rex Fernandez.

“The Commission on Human Rights (CHR) condemns the killing of lawyer Rex Fernandez in Barangay Guadalupe, Cebu City on Thursday afternoon, 26 August 2021,” pahayag ng CHR.

“CHR will be sending a quick reaction team to conduct an independent investigation on this incident,” dagdag ng ahensya.

Sa CCTV footage, tinambangan at pinagbabaril ng mga hindi pa natutukoy na suspek ang sasakyan ni Fernandez, dahilan para ideklarang dead on the spot ang abogado.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa CHR, isang trahedya na maituturing ang bilang ng mga napaslang na abogado sa kanilang sinumpaang tungkulin na labanan ang inhustiya at mga paglabag sa karapatang pantao.

“CHR reminds the government of its obligations in upholding and protecting the rights of all. The list of unsolved cases of killings and violations of rights continue.” Sabi ng CHR.

“We urge the government to swiftly act and investigate this case and hold the perpetrators to account. Justice must prevail.”