BITUIN SA LANGIT

(Weekly Horoscope 22-28 Agosto)

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Urong-sulong ang iyong mararamdaman. Malakas ang pasok ng linggo. Palaban ka at handang masaktan. Kung ang paninindigan mo ay tama, walang makapipigil sa iyo. Maraming darating na oportunidad. Hakutin mo at ituloy lang.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

Yung takot mong harapin ang mga pagbabago ay unti-unting mawawala. Kailangan mo lang buksan ang iyong isipan, para makita ang mga iba pang paraan sa pag-unlad. Hinay-hinay lang. Huwag magmamadali.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Mabilis na dadaan sa iyong mga kamay ang kaperahan. Marami ka ring gagawing desisyon na hindi mo na pag-iisipan pa, dahil matagal nang nabuo ito. Lalakas ang iyong kalooban sa kalagitnaan ng linggo. Pagkatapos ay mapapahinto ka at mag-iisip muli sa mga bagong pagsubok.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Lumuha ka man, pakiramdam mo ay mag-isa ka pa ring haharap sa mga pagsubok ng buhay. Lalo kang magiging maramdamin sa ikatlong araw. Bigla itong magbabago bago matapos ang linggo, dahil magkahalong pagsulong at pag-atras ang iyong haharapin.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Mas malakas ang kalooban mo ngayong linggo, dahil handa ka sa mga pagbabagong darating. Hindi ka matitinag sa mga pasaring ng mga taong inggit sa iyo. Hayaan mo lang sila, dahil malinaw ang iyong tatahaking landas tungo sa kabutihan.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Kaya mong sumabay sa pabagu-bagong daloy ng panahon. Darating ang pananahimik, dahil yun ang nararapat. Pakinggan ang mas mataas na antas ng iyong kabuuan, at huwag pag-aksayahan ng oras ang mga kalaban. Para kang bato na hindi kayang banggain, lalo pa’t nasa katuwiran ka.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Magulo ang simula ng linggo, pero huhugot ka ng lakas sa mga namuong damdamin na masalimuot at nagsalu-salungat. Ingatan na huwag paiiralin ang kapusokan sa kalagitnaan, dahil tila babangga ka lang sa pader kapag ipinilit mo ang mga hindi para sa iyo.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Kung mahal mo ang iyong sarili, makakaya mong harapin ang pagbabago. Mas magiging mahinahon ka. Bagama’t gusto mong may simulan, mas mainam na huwag mo muna itong ituloy. Makinig lang at magmasid. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Mas masigla ka ngayong linggong ito, dahil kayang kaya mong sakyan ang dating ng mga bagong pagsubok. Sasang-ayon din sa iyo ang kalagitnaan, dahil magkakaroon ka ng tapang para subukan ang ibang mga bagay na magpapaunlad sa iyong buhay. Pwede kang mag desisyon, basta’t hindi ka gagastos ng malaki.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Dapat ay naayos mo na ang iyong sarili sa Kabilugan ng Buwan. Kung hindi pa, makararamdam ka na ng magkahalong kawalan at kapusokan. Kung may sisimulan kang gawin, mahihinto lang ito, dahil maraming sasalungat sa iyo. Tanggapin mo ang kawalan. Iba na ang iyong atupagin.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

Pang-malakasan ang dating sa iyo ng linggong ito. Magiging buo ang iyong kalooban. Sunggaban mo agad ang mga rebelasyon sa Kabilugan ng Buwan. Lilinaw kasi ang maraming bagay. Kung ano man ang mapapagpasyahan mo, titibay at paninindigan mo ito.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Hindi ka matatakot sa mga pagbabagong dala ng Kabilugan ng Buwan. Huwag lang mawalan ng pag-asa o manghina ang kalooban. Sa kalagitnaan ng linggo, tila babalik muli ang iyong sigla. Sumabay lang sa iyong nararamdaman at magtiwala sa iyong kakayanan.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong[email protected]at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!