Winalis ng Jumbo Plastic-Basilan ang Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Southern Finals matapos gapiin muli ang KCS-Mandaue, 83-65 sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi maawat sa magkabilang dulo ng court, tanging sa first quarter lamang nakasabay ang Mandaue sa laro bago tumatsada sa second canto hanggang tuluyan ng makalayo.

Dahil sa panalo, nakumpleto ng Basilan ang sweep ng torneo mula noong eliminations.

“This championship is double sweet because what makes playing—and winning—difficult during these times is the pandemic,” wika ni Basilan head coach Jerson Cabiltes. “We are fortunate to be able to play, and now, we are champions.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mas naging matamis ang kanilang tagumpay dahil naipanalo lahat ng Basilan ang kanilang 13 laban sa torneo sa gitna ng pandemya.

“This is an entirely another level [of winning],” dagdag ni Cabiltes.

Matapos malamangan ng Mandaue sa first quarter, 23-20, nagsimulang umarangkada ang Basilan sa second period kung saan hindi nila pina iskor ang Mandaue sa huling limang minuto upang itayo ang 43-30 panalo sa halftime.

Pagsapit ng third canto,kumamada ang Basilan ng 15 sunod na puntos upang palobohin ang kalamangan nila sa 58-30.

Hanggang sa fourth quarter, nanatiling tumamlay ang Mandaue at hindi na nakaporma pa hanggang matapos ang laro.

Marivic Awitan