Umapela ang Palasyo sa mga residente ng Metro Manila na ipagpaliban na muna ang pag-eehersisyo sa umaga sa labas ng bahay para hindi mahawaan ngcoronavirus disease (COVID-19).

“Ito po iyong pagkakataon na ang Presidente nagdi-defer sa mga lokal na pamahalaan. Sila po kasi ang nagpapatupad noong ating mga quarantine. So kapag sa tingin nila na importante na 10 days na lang naman ay sa bahay na muna tayo, sumunod na po tayo,” sabi ni Roque sa isang televised press briefing nitong Martes, Agosot 10.

Nagpasa ang Metro Manila Council ng isang resolusyon na nagbabawal sa mga outdoor exercise sa gitna ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang desisyon sa isang pagpupulong kasama si Pangulong Duterte at iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan nitong Lunes, Agosto 9.

Muling sisiyasatin ang resolusyon pagkatapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa rehiyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa pagtatala ng Department of Health, umabot na sa higit573,136 ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kabilang ang 20,470 active cases at 8,437 deaths nitong Lunes, Agosto 9.

Matatandaan na bago ang pinagtibay na desisyon ng Metro Manila mayors, pinapayagan ng pamahalaan ang maglakad, tumakbo, magbisekta at iba pang ehersisyo sa labas ng bahay kahit na sa gitna ng ECQ. Noo’y pinapayagaan ang mga gawaing ito mula ika-6 hanggang ika-9 ng umaga.

Genalyn Kabiling