Para lang si Iori Yagami tuwing dumaraanpaurongang planetangNeptunoo kung tawagin sa Ingles ayNeptuneRetrograde (Rx).

Taun-taon, habang umiikot sa ating Araw, may puntong tilapaurongang planetang 'yan kung titignan natin sa himpapawid. Pero hindi naman. Ilusyon lang 'yan. Nagtatagal ito ng humigit limang buwan bago susulong ulit.

Dahil ipinangalan ng mga ninuno ang planetang ito sa diyos ng karagatan, dala nito ang imahinasyon at pagiging malikhain. Elementong tubig ang mangingibabaw sa ating mga damdamin. Subalit, kapagpaurongo Rx angNeptuno, haharapin natin, kahit mahirap, ang katotohanan. Ipapamukha kasi sa atin ang mga ilusyong dinadala natin araw araw, para lang manatiling masaya at masigla tayo sa ating pamumuhay.

Halimbawa, tayo ba ay inlababo talaga? Handanaba nating iwan ang nakaraan? Tatalikurannaba natin ang mga masasamang karanasan o may pangamba pa rin sa ating mga dibdib?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mahirap mag sinungaling sa panahong ito. Huwag pauuto. Maging mapanuri at labanan ang matatamisnadila sa ating paligid.

Kasama siyempre ng katotohanan ang pangamba. Ika nga ng mga matatanda, nakakatakot harapin ang totoo. Pero, kinakailangan itong gawin, para makatayo tayong muli at makausad sa mga pagsubok ng buhay.

Maging tapat sa sarili at sa ibang tao. Akuin ang mga pagkakamali at pagmamalabis. Mangakong aayusin ang kinabukasan. Iwasan ang pakikipagtunggali. Tanggihan ang mga alok ng kamunduhan. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi lamang. Inihahanda ka kasi ng sansinukob sa mas mataasnaantas ng kamalayan, para rin sa iyong kabutihan.

Maunawain angNeptuno. Pakinggan ang mga malalalimnadahilan ng bawa't taong nakakasalamuha. May kanya-kanya tayong dahilan. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng kalooban, mawawala ang pagkukubli. Sa bawa't kahinaan, lalabas ang katapangan.

Dahil dala-dala rin ngNeptunoang mga bagaynamay kinalaman sa virus at maging sa mga computer bugs, masusugpo unti-unti ang pagkalat ng sakit at ang mga problemang teknikal sa mga tanggapan at kalakalan. Magtutulungan ang lahat, kahit makupad, dahil yan ang taglay ng Taon ng Baka. Malayo ang hangarin nito, at hindi ito susuko sa problema.

Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe Watch Like at Share lang ang Nickstradamus channel ng YouTube, lalonaang LIVE tuwing Biyernes 11 p.m. Philippine Standard Time. Huwag ito palalagpasin.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, at sa mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong[email protected].

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!

NickNañgit