Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 82 sa pulis ng Quezon City Police District (QCPD).

Pinagbatayan ng alkalde ang natanggap na datos mula sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng lungsod, nitong Miyerkules.

Nakatalaga aniya ang mga ito sa Police Station 3 (Talipapa Police Station) sa Novaliches.

Bahagi aniya ang mga ito ng 161 tauhan ng QCPD na sumailalim sa swab testing nitong Hulyo 23. Gayunman, nagnegatibo sa virus ang 79 na iba pang pulis.

Politics

Sen. Risa, walang balak sumama sa 'Duterte bloc' sa Senado

Paliwanag nito, inilabas ang resulta ng pagsusuri nitong Hulyo 27 at 28 matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hulyo 26 kung saan karamihan sa mga pulis ng lungsod ay itinalaga sa Commonwealth Avenue upang bantayan ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

“For issues like whether they were deployed during SONA, Gen. Antonio Yarra (QCPD director) can answer that, though I’m doubtful because as per protocol, after swabbing, they should have been quarantined,” pagbibigay-diin ng alkalde.

Nababahala rin si Belmonte dahil posibleng ilang sa mga ito ang na-deploy nitong SONA.

Matatandaang nagkaroon ng paglabag sa ipinatutupad na safety protocols ang mga raliyista matapos silang harangin ng mga pulis habang sila ay nagmamartsa patungo sa itinakdang lugar na pagdadausan sana nila ng protesta.

Joseph Pedrajas