ZAMBOANGA CITY – Sinamsam ng mga pulis ang₱8 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa lungsod, nitong Martes ng madaling araw.

Inihayag ni Police Regional Office-9 chief, Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan, naharang ng mga awtoridad ang kargamento na sakay ng isang 8-wheeler na truck sa isang checkpoint sa Barangay Divisoria, dakong 2:15 ng madaling araw.

Wala umanong maipakitang papeles ang driver at pahinante ng truck na sinaJereelHofelina, 41, at AlsnasherArraji, 36, ayon sa pagkakasunod, kaya kinumpiska ang kargamento.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Hofelina at Arraji at inihahanda na ang kakaharapin nilang kaso.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

PNA