Nais ni Senador Aquilino Pimentel III, na mapatawan ng kaparusahan ang "hoax ordering" upang mabigyang proteksyon ang mga delivery riders sa gitna na rin ng pagdami ng reklamo ng mga ganitong transaksyon.

"The proposed measure prohibits food, grocery, and pharmacy delivery service app providers from requiring their delivery riders and drivers to advance money for the fulfillment of orders. It also requires these delivery service app providers to establish a mandatory reimbursement scheme in favor of delivery riders and drivers in case of cancellation of confirmed orders," nakasaad sa kanyang panukala.

Aniya kailangan ang ganitong proteksyon dahil nauuso na ang online deliveries kahit pa matapos ang pandemya.

Upang maiwasan naman ang kanselasyon, kailangan ang  pagpapatupad ng  Know-Your-Customer (KYC) rule na ipinapakita ang proof of identity at residential address ng customer na alinsunod naman sa Data Privacy Act of 2012.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The recent incidents of fake booking and hoax orders are quite alarming. Those acts must be criminalized. Nagtatrabaho ang ating mga riders nang maayos. Yung iba ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye para kumita ng pera. Hindi sila dapat linoloko,”dagdag ni Pimentel.

Leonel M. Abasola