Inamin ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na bukas siya sa pagtakbo bilang presidente sa 2022.

“Yes, opo,” sagot ni Duterte-Carpio nang tanungin siya ng mga mamamahayag.

Gayunman, nilinaw niya na wala pang pinal na plano.

"What is important now is for us to know the sentiments of the people and what they really want,”aniya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aware naman umano siya sa mga tarpaulin na kumakalat sa Metro Cebu na may nakalagay na, “Run Sara Run.”

"I thank supporters here in Cebu for their trust and confidence and that is one of the reasons why I am here to ask the people what they really wanted,” aniya

Nagkaroon ng dalawang oras na close-door meeting sina Duterte-Carpio at Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa Cebu Provincial Capitol.

Kaagad na nilinaw ng alkalde na hindi politika ang focus ng meeting.