Isang hinihinalang big-time drug pusher ang naaresto ng awtoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Roy Francis Tolesora, alyas “Francis,” 30, ay pansamantalang nasa kustodiya ng Southern Police District (SPD) para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa natanggap na ulat ni SPD chief BGen. Jimili Macaraeg, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Intelligence Division (DID) sa pangunguna nina Major Cecilio Tomas Jr. at Lt. Col Renante Galang laban sa suspek na si Tolesora sa Angelina Canaynay Avenue, Bgy. San Dionisio, Paranaque City, dakong 7:00 ng gabi.

Nasabat mula sa suspek ang isang medium sized plastic sachet na pinaniniwalaang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000; silver weighing scale; P1,000 buy-bust money kasama ang 64 pirasong P1,000 bill na boodle money.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings ang nasabing suspek para sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea