Binati kaya in private o talagang walang greetings?

Ito ang tanong ng netizens sa umano’y tila pang-iisnab ni Julia Barretto sa pagdiriwang ng Father’s Day dahil hindi nga nito binati ang ama na si Dennis Padilla.

Dennis at Julia

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bagamat may ilang mabilis na dinepensahan si Julia, sa pagsasabing baka nagalit ang aktres sa pagbabahagi ni Dennis ng kuwento sa relasyon nina Julia at boyfriend nitong si Gerald Anderson, kaugnay ng naging kontrobersiyal na panayam nito kay Ogie Diaz, may ilang nag-insist na hindi ito sapat na rason.

Ilan sa mga comments:

“Nakakaloka si Julia…humahabol sa pagkakontrobersyal ni Greta…ano ba yung bumati siya sa ama kahit manlang pakitang tao??”

“Nakakabwiset naman kasi talaga yung ama. Panira. Hindi na nga good provider wala pang ginawa kundi hilahin pababa mga anak.”

“Well-raised daw? I don’t think so…”

“Ang lakas ng loob magmalaki ng batang ito…not a good example to kids her age…”

“E ayaw niyang bumati e. Bakit ba? Kailangan ba talaga naka-public? Malay ninyo naman…mga pakialamera…”

Mapapansing sa nasabing okayon, nakapag-post pa ang aktres ng photos niya at ng kanyang lolo, Miguel Barretto, co-actor Ian Veneracion, ang kanyang ina na si Marjorie Barretto at mga kapatid.

Kapwa wala pang pahayag si Dennis at Julia sa usapin.