MIAMI, United States – Siyam na bata at isa pa ang nasawi sa malagim na banggaan ng mga sasakyan sa Alabama highway sa gitna ng pananalasa ng malakas na bagyo sa southeastern US, ayon sa ulat ng awtoridad nitong Linggo.
Kinasangkutan ng hindi bababa sa 15 sasakyan ang banggaan sa isang interstate highway malapit sa city of Greenville na sinasabing “probably caused” ng masamang panahon, pagbabahagi ni Butler County coroner Wayne Garlock sa AFP.
Nagbuhos ang storm Claudette ng 12 inches (30 centimeters) ng ulan sa Gulf Coast region nitong weekend. Na sinisisi rin sa dalawang iba pang pagkamatay.
Kabilang sa mga namatay sa banggaan ang isang tatay at kanyang nine-month-old daughter sa isang SUV, at walong sakay ng isang van — na nasa edad apat hanggang 17—mula sa isang “girls ranch” para sa mga napabayaan at inabusong mga bata, ayon sa local report.
“This was probably the most horrific accident in Butler County history,” pagbabahagi ni Sheriff Danny Bond saal.comwebsite.
Aniya, dalawang sasakyan ang sangkot sa banggan sa 18-wheel trucks, at nasa limang tao ang nagtamo ng nonfatal injuries.
Nahatak naman palabas ang driver ng van, ayon sa saksi. Habang sinubukan din ng mga bystander na tulungan ang mga bata ngunit bigo dahil sa apoy na lumamon sa sasakyan, ani Garlock.
Kinilala ang driver ng van na si Candice Gully, director ng girls farm sa Tallapoosa County.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Agence-France-Presse