Isang Novo Ecijano ang naka-jackpot ng P15 milyon mula sa Regular Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Sabado ng gabi.

PHOTO FROM PCSO

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 23 - 02 - 31 - 20 - 06 – 28 ng Regular Lotto 6/42 kaya’t napanalunan nito ang eksaktong P15,445,170.20 na jackpot prize.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Garma na ang kanyang lucky ticket ay binili ng masuwerteng mananaya sa isang lotto outlet mula sa San Jose City, Nueva Ecija.

Upang makubra naman ang kanyang panalo, pinayuhan ni Garma ang lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Kailangan rin umano nitong magprisinta ng dalawang valid ID at ang kanyang lucky ticket.

Samantala, mayroon din namang 36 na mananaya ang nagwagi ng second prize at nakapag-uwi ng tig-P24,000; 1,618 naman ang nanalo ng tig-P800 at 23,199 ang mayroong balik-taya matapos na magwagi ng tig-P20.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Mary Ann Santiago