May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

DFA, nilinaw walang 'crisis alert levels' sa Qatar, UAE, Saudi Arabia, Bahrain, at Kuwait

DFA, nilinaw walang 'crisis alert levels' sa Qatar, UAE, Saudi Arabia, Bahrain, at Kuwait

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong gabi ng Lunes, Marso 2, na hindi kasama ang mga bansang Qatar, United Arab Emirates (UAE), Saudi Arabia, Bahrain, at Kuwait, sa listahan ng mga bansang may nakataas na “crisis alert levels” sa kasagsagan ng sigalot sa Middle East. 

Base sa DFA, narito ang updated na listahan ng mga bansa na may nakataas na alert level status: 

- Gaza: Alert Level 4 

- Syria: Alert Level 4 

- Yemen: Alert Level 4 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

- Iraq: Alert Level 3

- Lebanon: Alert Level 3

- Iran: Alert Level 2

- Kurdistan: Alert Level 2 

- Israel: Alert Level 2 

- West Bank: Alert Level 2 

- Jordan: Alert Level 1 

ALERT LEVEL 1 (PRECAUTIONARY PHASE)

Ang Alert Level 1 ay nakataas sa bansang may senyales ng kaguluhan sa loob ng bansa o kaya’y ang external threat ay limitado sa isang partikular na lugar. 

Sa ilalim din nito, ang mga Pinoy ay inaabisong maghanda at umiwas sa non-essential movements. 

Para sa mga may planong magtungo sa mga bansang nakataas ang alert level na ito, pinapayo ng DFA na iwasan ang mga apektadong lungsod dito na pinangyayarihan ng gulo. 

ALERT LEVEL 2 (RESTRICTION PHASE)

Ang Alert Level 2 naman ay itinataas kapag ang karahasan o gulo ay kumalat na sa mga karatig-lugar ng isang bansa at kung ang pag-atake ay mas kinakikitaan na ng epekto. 

Sa ilalim rin ng Alert Level 2, ang mga Pinoy ay pinapayuhang mag-”shelter in place” o magtago sa isang ligtas na lugar, katulad ng bahay o kwarto at iwasang magtungo sa high-risk areas ng bansa. 

Para sa mga may planong magtungo sa bansang nakataas ang alert level na ito, inaabiso ng DFA ang lubos na pag-iingat dahil sa mas mahigpit na security risks. 

ALERT LEVEL 3 (VOLUNTARY REPATRIATION PHASE) 

Ang Alert Level 3 ay itinataas sa bansang kinakikitaan ng matitinding epekto ng mga kaguluhan at mga pag-atake.

Sa ilalim nito, ang mga Pinoy ay pinapayong mag-voluntary evacuate sa pamamagitan ng relocation o repatriation. 

Ang pagpunta sa mga lugar na may banta ng Alert Level 3 ay mariing ipinagbabawal bunsod ng kompromiso sa kaligtasan at seguridad. 

ALERT LEVEL 4 (MANDATORY EVACUATION PHASE)

Ang Alert Level 4 ang pinakamataas na crisis alert level ng DFA at itinataas sa bansang mga kaso na ng malawakang civil conflict o full-blown external attacks. 

Sa mga Pinoy na nasa bansang ito, hinihikayat ang agad na paglikas at pagsali sa repatriation ng pamahalaan. 

Ang pagtungo sa bansang nasa ilalim ng Alert Level 4 ay mariing ipinagbabawal. 

Ipinaalala rin ng DFA sa mga Pinoy na nasa apektadong bansa, na maiging sumunod sa mga advisory na inilalabas ng pamahalaan at mga ahensya nito, habang pinanatili ang pagiging mapagmatyag at updated sa lahat ng kaganapan at anunsyo. 

Sean Antonio/BALITA