BAGGAO, Cagayan— Isang kalansay ng pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang nahukay ng tropa ng Philippine Army katuwang ang puwersa ng PNP sa Sitio Birao, Barangay Hacienda Intal.

Ayon kay MAJ Jekyll Julian D Dulawan (INF) PA ,hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO), pinatay at inilibing ang miyembro ng kanyang mga kasamahan.

Saad pa ng awtoridad, isiniwalat ng isang asset, ang hinukay at narekober ang labi ni Vincent Cusipag alias “MJ” sa naturang lugar na nasaksihan ng ilang residente at which Barangay Officials ng Hacienda Intal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

larawan mula sa 5TH ID via liezle Inigo

Positibo itong kinilala ng kanyang lola, na si Christina Samoy sa pamamagitan ng damit at bracelet matapos mahukay nitong Hunyo 4.

Ayon pa sa informant, taong 2018 nang sumali ito na CPP-NPA bilang alias MJ.

Pero dahil sa hirap sa pagtakas sa tropa ng pamahalaan, tumakas ito sa grupo.

Gayunman, hindi umano ito hinayaan ng grupo.

Noong Mayo 2019, limang miyembro ng CPP-NPA sa pamumuno ni alias Andy, ang pumatay at kalaunan ay inilibing ang bangkay nito sa Sitio Birao.