Baka dahil lang sa init ng panahon.

Tila masyadong nadadala ang ilang fans sa panonood ng teleserye.

Kamakailan lamang, isang fan ang direktang nagpadala ng mensahe sa aktor na si John Arcilla.

Ang message ng netizen, “Hoy hwg ka mangarap Na mgng president ng buong Pilipinas galng mo nmn kung ikw ang papalit mgng president ng Pilipinas ngpatawa ka ba ah eh sa role mo plng sa probinsyano ngkakagago ka noh drug addict ka!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Obviously, ang tinutukoy ng fan ay ang karakter ni John sa FPJ’s Ang Probinsyano, na si Renato “Buwitre” Hipolito.

Tugon tuloy ng award-winning actor, “Hindi ko po alam kung seryoso siya o nagpapatawa. Relax ka lang… ang teleserye ho e hindi totoong buhay. Chill chill lang po.”

Hindi naman si John ang unang aktor na tumanggap ng galit mula sa mga fans.

Bago ito, nakatanggap si Michael de Mesa, na gumaganap sa karakter ni Ramil “Manager” Taduran sa parehong serye ng death threat mula sa isang fan.

Tanong ni Michael sa netizen: “Ganun ba ako ka effective? Bro, teleserye lang yan. Wag masyadong seryoso. Positive vibes lang…”

Neil Ramos