NAGPATULOY ang pananalasa nina Zeus Alexis T. Paglinawan ng Cabusao, Camarines Sur at Michael Jan Stephen R. Inigo ng Bayawan City,Negros Oriental na nakopo ang 1st at 2nd place sa katatapos na 17th Artillery Foundation of the Philippines, Inc. (AFPI)-Grandmaster Jayson Gonzales Birthday Arena online chess tournament nitong Linggo sa lichess.org.
Ang 14-year-old Paglinawan, ZPaglinawan_Bicol_13 sa Lichess, ay tumapos ng 36 points sa 13 games na may win rate 85 percent at performance rating 2280 sa event na tampok ang 111 players sa bansa.
Ang nasabing event na itinataguyod ng Lichess Battle Arena, National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Philippine Sports Commission (PSC), Artillery Foundation of the Philippines, Inc. (AFPI), Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) at ng Endgame Sports Multi-Events, Inc. (ESMI) sa gabay ni founding president National Master/Atty. Cresencio V. Aspiras Jr.
Ang online tournament ay may time control na three minutes plus 2 second increment at one hour and thirty minutes of play ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chief Operating Officer (COO) Grandmaster Jayson Gonzales na nagdiwang ng kanyang 52nd birthday nitong Linggo, Mayo 2, 2021.
Ang 14-year-old San Mateo, Rizal based Paglinawan na Grade 8 student ng Far Eastern University-FERN, Quezon City ay nagwagi ng 11 games at may talo na dalawa tungo sa kanyang aggregate score at P1,000 top purse.
Habang ang 13 year old Inigo na Grade 7 student ng Science and Technology Education Center sa Bayawan City,Negros Oriental ay nakamit ang second spot na may 35 points sa 12 games na may win rate 83 percent kaakibat ang ten wins, one draw, one lost na may performance rating 2269 tungo sa P700 second place prize.
Kilala sa tawag na Bonbon sa chess world, si Inigo ay isa sa Top 15 Qualifiers sa Semi Finals.
Si Inigo ay lumahok sa 59 strong Chess Players all over the Philippines sa PSC-NCFP Men's Division Quarter Finals nitong Abril 28,29 at 30, 2021 sa Tornelo platform. Si Inigo ay nakamit ang over-all 12th place na pinagharian naman ni 14-year-old Gio Troy Ventura na Grade 8 student ng Dasmariñas Integrated High School. Marlon Bernardino