May 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Mga pre! Mas healthy pala kapag laging nakatayo ang 'Junjun'

Mga pre! Mas healthy pala kapag laging nakatayo ang 'Junjun'
Photo courtesy: Freepik

"Nagigising ka bang nakatayo ang Junjun? Kung oo, congrats!"

Iyan ang bungad ng doktor-content creator na si Doc Alvin Francisco matapos niyang talakaying isang indikasyon para masabing healthy ang isang lalaki kapag nakatayo o tumatayo ito nang kusa.

Aniya, maaaring healthy raw ang isang lalaki kapag nagising sa umaga na nakatirik ang junjun o manoy. Paliwanag niya, kapag daw natutulog ang isang lalaki, normal daw na tayuan ng ari sa loob ng limang beses sa isang gabi. Ang pagtayo naman daw, puwedeng tumagal nang 40 minuto. Ito raw ay tinatawag na nocturnal penile tumescence.

Paliwanag pa ni Doc Alvin, ito raw ay normal na proseso sa kalalakihan. Kahit bata o matanda, tumatayo pa rin daw dapat ito nang kusa lalo na sa gabi.

Posible raw na healthy ang isang lalaki kapag kasabay itong gumising sa umaga, dahil ang mga ugat daw kay Junjun ay napakaliit lang at napakakipot. Kung nakatayo raw ito sa umaga, nangangahulugan daw na maganda ang daloy ng dugo sa katawan.

Human-Interest

Hospital levels sa bansa na mahalagang malaman ng bawat Pinoy

Puwede pa nga raw na maging warning sign sa iba pang mga sakit gaya ng stroke at heart attack kung hindi tumatayo si Junjun nang kusa.

Ibig sabihin din, maganda rin daw ang hormones sa katawan, at maganda rin ang haba at kalidad ng tulog sa buong gabi.

Para daw mas maging healthy, pakaiwasan daw ang labis na paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paglantak ng mga sobrang matatamis na pagkain.

"At umiwas po sa mga marites dahil nagbibigay sila ng stress," hirit na biro ni Doc Alvin.